|
|||||||||
|
|||||||||
|
|||||||||
| Not A Member Yet? Register today and become part of the community. |
|
|||||||
![]() |
|
|
LinkBack | Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 (permalink) |
|
Tambay
Newbie
|
I love Malayan
Magandang hapon po sa inyong lahat!
![]() Hindi na po ako magpapaligoyligoy pa. Ako po ay isang fan ng Malayan. Para po sa inyong lahat, gusto ko pong sabihin na mali po ang iniisip ninyo tungkol sa pamamalakad ni Yucheko sa ating eskwelahan. Hindi niyo lang po kasi naiisip ang mga sakripisyo na ibinigay niya para sa eskwelahan. Kung iniisip niyo po na wala syang pakielam sa eskwelahan, mali po kayo doon. Hindi po niya kagustuhan na ibagsak ang quality ng Mapua. Kaya lang po nangyayari iyon ay dahil sa kailangan niyang patatagin muna ang pananalapi ng school at pagkatpos po nun ay ibabalik niya ulit ang quality nito. Hindi niyo po ba alam na nalugi ang Malayan insurance ni Yucheko dahil lamang sa binili niya ang Mapua? Iyan po ang isa sa mga dahilan kung bakit niya inuuna ang pananalapi ng school. Kung hindi po niya gagawin iyon, tuluyan pong babagsak ang Mapua. Siguro naman po ay naniniwala tayong lahat na kailangan ng pera para patakbuhin ang kahit na anong organisasyon. Sa madali pong salita, kung hindi inuna ni Yucheko na patatagin ang pananalapi ng Mapua, matagal na siguro itong bumagsak! Gusto niyo po bang mangyari iyon? Wala po syang ibang choices kundi ang isakripisyo muna "temporarily" ang quality at saka nito ibabalik ulit. At iyon po ang naging dahilan kung bakit naging Quarter System tayo nung una. Ginawa niya po iyon dahil unti-unti siyang nalulugi dahil sa pagkakabili niya dito sa Mapua. Kung nalugi siya, sa tingin niyo po ba ay hindi madadamay ang Mapua doon? Natural lang po na madadamay din ang Mapua. Minsan po kasi ay kailangan nating magsakripisyo para lamang magkaroon ng pagasa. Si Yucheko po ay isang beteranong negosyante. Ang ibig pong sabihin nito na alam niya ang ginagawa niya para sa negosyo. Alam niya po na ang pera ay hindi ang pinakaimportanteng parte ng negosyo. Alam niya na ang mga customers ang pinakamahalagang bagay sa negosyo. At kapag sinabi po nating customers, sino po ba ang mga iyon? Iyon po ay kayo mismong mga estudyante nito. Alam niya po na kapag hindi niya inalagaan ng mabuti ang mga customers niya, ay siya rin po ang malulugi. Alam niya na kapag hindi niya pinaunlad ang quality ng serbisyo na ibinibigay niya para sa customers niya, mawawalan siya ng mga customers. Hindi naman po siguro siya stupid para pabagsakin mismo ang sarili niyang negosyo or eskwelahan? Hindi naman po siguro siya magiging successful businessman kung hindi siya marunong magpalakad ng negosyo. Ang isang magaling na businessman po ay alam ang kanyang ginagawa. Malaki po ang hangarin niya para mabigyan kayo ng magandag edukasyon. Ngunit sa pagkakataon pong ito ay kinakailangan muna niyang paunlarin ang pananalapi para lamang umandar o maging stable na ang operasyon ng Mapua para sa hinaharap. Huwag po tayo masyadong narrow-minded sa mga pinaggagawa ng administrasyon. Para rin po iyon sa ating kinabukasan. Kung napapansin niyo po ngayon, unti-unti na pong ibinabalik ang mataas na quality ng Mapua. Five years na po ulit ang engineering courses. Alam ninyo naman po na pangit ang facilities ng Mapua dati. Pero ngayon po ay gumagandana po ito at dahil po iyon kay Yucheko. Alam niyo po ba na ang Chemistry lab dati ay parang katayan ng baboy? Ngunit tignan niyo ngayon, umasenso na ito. Gusto niyo po ba ang facilities ng Mapua dati? Sa tingin ko naman ay hindi. ![]() ![]() Tungkol naman po sa pagpapalit ng name, from Mapua to Malayan, huwag naman po sana nating maliitin ang ganyang klaseng desisyon. Isa pong napakaimportanteng bagay po ang mapalitan ang pangalan from Mapua to Malayan. Kung gusto po nating maglagay ng masmaraming kurso such as Nursing, Accountancy, etc., dapat po ay palitan natin ang pangalan. Iyon po ay dahil sa ang pangalan ng Mapua ay sobrang nakatali para sa mga technical courses. Siguro po ay nagtatanong kayo, "Ano naman ngayon kung sobrang nakatali ito sa mga technical courses"? Kung ganyan po ang itatanong niyo sa akin, ito naman po ang isasagot ko sa inyo: Iyon po ay para sa interest ng mga non-technical courses students. Kung kayo po ay mga Nursing, Accounting, or Psychology students, sa tingin niyo po ba ay comfortable mag-aral sa isang eskwelahan na ang pangalan ay sobrang nakadikit sa technical courses? Hindi niyo po ba mararamdaman na parang saling-pusa lang kyao para sa eskwelahan na iyon? Kung hindi niyo po naiintindihan, baliktarin po natin ang sitwasyon. Halimbawa po ay may isang eskwelahan na ang pangalan ay Mapua Institute of Medicine. Ang eskwelahan na iyan ay kilala sa pagkakaroon ng napakataas na kalidad para sa mga Medicine courses. Ngunit ang tanong, kung kayo po ay magaaral ng Engineering sa Mapua Institute of Medicine, sa tingin niyo po ba ay hindi niyo mararamdaman na parang singit lang kayo sa eskwelahang iyon? Nangyayari po ang ganyan! Katulad nga po ng mga Nursing students natin. Marami sa kanila ay nagiisip na para bang saling-pusa lang sila dito sa Mapua. Nakakawala po ng gana ang ganoon, tama po ba? At iyan din po ang dahilan kung bakit hiniwalay ang Nursing sa mga Engineering courses. Alam kasi ng administrasyon na mararamdaman ng mga Nursing students ang mga iba't-bang PANLALAIT mula sa Engineerig students! Naiintindihan niyo ba ang nararamdaman nila? Naiintindihan niyo na po ba ang kahalagahan ng pagpapalit ng pangalan? ![]() ![]() Kung nangangamba naman po kayo na baka ang pangalang Malayan ay hindi kilalanin bilang dating Mapua, nais ko lang pong malaman niyo na huwag po kayo mag-alala dahil hindi po pababayaan ng administrasyon na hindi kilalanin ang Malayan bilang ang dating Mapua. Gagawa po iyan ng malawakang advertisements para sabihin na ang Mapua ay napalitan na ng pangalang Malayan. Mga negosyante po iyan, at alam po nila kung paano pasikatin ang kanilang pangalan. ![]() ![]() Sa lahat po ng mga sinabi ko, isa lang po ang ibig sabihin nun: "Hindi po hahayaan ni Yucheko na malugi ang ganyang negosyo dahil alam niyang ikababagsak niya rin iyon." "Temporary lang po ang nararamdaman ninyong pagkababa ng kalidad, at ityo ay aakyat din pong muli." |
|
Status: Offline
|
|
|
|
#2 (permalink) | |||||||||||||||||
|
Newtype Mobile Suit Pilot
-=§$§ Class 'SSS' monster poster §$§=-
|
Re: What do you think about Mapua's quality now?
Wow, sakto pagkakagawa ng account mo ah, February 14, 2008... 3 taon pagkatapos naming ipaglaban ang Mapua... Nice timing... Quote:
Quote:
For your information, yung mag-amang Don Tomas at Don Oscar, willing, take note, willing magpalugi, masigurado lang na mabibigyan ng de kalidad na edukasyon ang mga karapat-dapat. Kaya ba yan ng ganid na Intsik na pinagmamalaki mo?! Quote:
Quote:
GOD DAMN IT, NAGSAYANG LANG PALA KAMI NG PERA!!! Quote:
NGAYON, ALAM KO NA, NAGQUARTERM PARA LANG MABAWI ANG PUHUNAN NIYA, AT HINDI PARA MAPABILIS ANG GRADUATION NAMIN!!! Quote:
HALOS P100,000.00 ANG BINABAYAD NG MAGULANG KO BAWAT TAON PARA LANG MAKAPAG-ARAL AKO SA PAARALANG YAN. HUMIHIRAM MAGULANG KO SA MGA BANGKO PARA LANG MABAYARAN DIN YANG MATRIKULANG YAN. HUMINTO RIN AKO AT KUMUHA RIN AKO NG MGA PART-TIME JOBS PARA MAKATULONG. AT NGAYONG NAGTRATRABAHO NA AKO, BINABAYARAN KO PA RIN YUNG MGA UTANG NA YAN! IMBES NA MAKAIPON NA AKO PARA SA KINABUKASAN KO, NAGBABAYAD PA RIN AKO NG UTANG PARA DYAN SA BINAGSAK NA KALEDAD NA EDUKASYON NA BINIGAY NYO SA AKIN!!! WAG KANG MAGBABANGGIT NG TUNGKOL SA SAKRIPISYO, DAHIL HINDI MO ALAM KUNG ANU-ANO ANG MGA SAKRIPISYO NA DINADANAS NAMING MGA ESTUDYANTE AT MAGULANG PARA DYAN SA NABAWASANG KALEDAD NA EDUKASYON NA BINIBIGAY NYO!!! WAG MONG MAIKUMPARA YUNG SAKRIPISYO NAMIN SA "SAKRIPISYO" NUNG LOLO MO NA KAHIT NALUGI LANG NG ILANG MILYON AY MILYONARYO PA RIN!!! Kung ikukumpara mo yang "sakripisyong" yan ng gurang na yan, WALA YAN SA SAKRIPISYO NA BINIGAY NI DON TOMAS AT DON OSCAR PARA MASIGURADO NILANG MABIBIGYAN ANG LAHAT NG MAGANDANG EDUKASYON!!! SAKA KUNG BAKIT TALAGANG "NAGSASAKRIPISYO" SIYA, BAKIT PA NIYANG BALAK BAWIIN YUNG MGA NALUGI SA KANYA?!?!?! SABIHIN MO NA LANG, GUSTO NYO NA BAYARAN NAMIN ANG "SAKRIPISYO" NA GINAGAWA NYO!!! Quote:
TAMA NGA, INVESTORS KAMI AT HINDI MGA ESTUDYANTE!!! And take note, KAHIT KAILAN, PWEDE NA NIYANG IPABAGSAK ANG MAPUA. NAKAGAWA NA SIYA NG PAARALAN SA PANDACAN AT CABUYAO, ANYTIME NA GUSTO NIYA, PWEDE NA NIYANG IPASARA ANG INTRAMUROS AT MAKATI!!! Tinawagan ako ng Mapua dati para maging jr. engr nila. Di ko alam kung bakit ko narinig ang mga ito, pero, narinig ko dati ang isang usapan doon sa HR department na nagkakapiratahan ng mga tauhan na galing sa Intra na ipapadala sa Laguna. TAPOS YUNG IBANG INSTRUCTORS AT PROFESSORS, PINIPILIT NYONG IASSIGN DOON SA LAGUNA KAPALIT NG MAS MAHAL NA SWELDO?! ANO TAWAG MO DOON?! SASABIHIN MO HINDI NIYA PWEDENG IPABAGSAK YUNG NASA INTRAMUROS SAKA MAKATI, EH MATAGAL NYO NANG GINAGAWA NA UNTING UNTING PATAYIN ANG MALAYAN COLLEGES INTRAMUROS AT MAKATI PARA SA MALAYAN COLLEGES LAGUNA?!?!?! Anyway, alam ba ng magaling mong idol na ang edukasyon ay ang tanging yaman na madadala mo kung saan saan, ha? Kung talagang magaling yang Ponsyong Pilato na yan, bakit sa lahat-lahat ng pwedeng isakripisyo, BAKIT EDUKASYON PA ANG NAISIP NIYANG IDEPRIVE SA AMIN PARA LANG MABAWI NIYA ANG PUHUNAN NIYA AT KUMITA PA SIYA?!?!?! KUNG TALAGANG MAGALING SIYA, MABABAWI NIYA YUNG PUHUNAN NIYA NA HINDI ISINAALANG-ALANG ANG EDUKASYON NAMIN!!! YAN BA ANG MAGALING?! MABAWI ANG PUHUNAN NIYA AT THE COST OF OUR RIGHT TO HAVE A GOOD EDUCATION?!?!?! Quote:
NARROW MINDED?! WHAT THE FUCK, WE CAME THERE TO STUDY GOOD QUALITY EDUCATION, AND NOT TO STUDY DEGRADED QUALITY EDUCATION DUE TO INVESMENT LOSSES!!! NAPAKAMALAS KO NAMAN, HINDI KO MAN LANG MAABUTAN YANG "KINABUKASAN" NA YAN, KAPAG NAGING STABLE NA ANG MAPUA, DAHIL WALA NA AKO SA MAPUA, MALI, SA MALAYAN COLLEGES!!! SIGE, SABIHIN MO SA AKIN NGAYON, PAANO MO MABIBIGAY SA AKIN YUNG MAGANDANG EDUKASYON NA SINASABI MO?!?!?! Quote:
Quote:
Quote:
TAKE NOTE, MARAMI PA RING SIRA-SIRANG BREADBOARD, MABAGAL NA PC, MABAHONG CANTEEN, WALANG MGA ROOMS NA AIRCON, SIRANG GYM AT KUNG ANO-ANO PA KAYA WAG MONG SABIHIN NA MAGANDA NA ANG PASILIDAD SA LOOB NG CAMPUS! Quote:
Quote:
EH BAKIT ANG CEBU INSTITUTE OF TECHNOLOGY NA ISA SA MGA NAGUNGUNANG PAMANTASAN NGAYON. KUNG TITIGNAN, PARANG "NAKATALI" SA TECHNICAL COURSE ANG PANGALAN NILA, PERO, BAKIT NAKAKAPAGBIGAY SILA NG MAGANDANG EDUKASYON PARA SA MGA "NON-TECHNICAL" COURSE?! Di ka nga graduate ng Mapua. Isa sa mga traits ng pagiging Mapuan, yung walang pakialam. Wala kami pakialam kung ano pa kurso mo o hindi. Personally speaking, I don't give a damn if I feel an outcast. You know, it makes me feel unique! At least, I'm unique in my own ways. And I don't give a damn about what others tell of me that easily. Basta ako, mag-aaral lang ako. Quote:
AAMININ KO, NAGULAT AKO NUNG NAGKAROON BIGLA NG NURSING, EH ANO PA BA MAGAGAWA KO DOON?! PERO, NILAIT BA NAMIN SILA?! TANONG KO SA IYO IYAN!!! UULITIN KO, WALA KAMING PAKIALAM KUNG NURSING MAN SILA O HINDI, SIMPLE AS THAT!!! Kung tingin nila sa mga sarili nila, mga outcasts sila o salingpusa, WALA NA KAMI MAGAGAWA DOON! SA PANGALAN NAMAN, PAANO KAMI?! PAANO YUNG PANGALAN NA MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY NA INAASAM NAMIN SA MGA DIPLOMA NAMIN AT TRANSCRIPTS OF RECORDS NAMIN, GANUN NA LANG YUN?!?!?! AND ONE THING IS STILL FOR SURE, THE FUCKING NAME CHANGE IS NOT NEEDED!!! Quote:
FOR THE RECORD AGAIN, MARAMI ANG HINDI KUMIKILALA SA MAPUA BILANG MALAYAN, DAHIL PINATAY NIYO NA NAMAN ANG MAPUA DI BA?!?!?! SINO NA NAMAN GINAGAGO MO?!?!?! NUNG INTERVIEW AKO SA IBA'T IBANG KOMPANYA, TINATATONG YUNG LINTIK NA FOOTNOTE NA NAKALAGAY DOON SA TRANSCRIPT OF RECORDS KO!!! WAG NYO NANG SABIHIN NA ANG MALAYAN AY ANG MAPUA, DINUDUMIHAN NYO LANG LALO ANG PANGALAN NG MAPUA, MAS MAGANDA PA NGA, ITULOY NYO NA YUNG PUTANG INANG "NAME CHANGE" NA YAN, PARA MAGKAALAMAN NA NG MGA BAHO AT KATOTOTHANAN!!! ONE THING IS FOR SURE, WE DON'T WANT MAPUA TO BE ASSOCIATED WITH MALAYAN!!! Quote:
ONCE AGAIN, WE DON'T WANT OURSELVES TO BE ASSOCIATED WITH MALAYAN!!! Quote:
1. ANG TANGING HANGGAD NI ALFONSO ********* AY KUMITA NG PERA GAMIT ANG PANGALAN NG MAPUA. AT NGAYONG KUMIKITA NA SIYA, PWEDE NA NIYANG ITAPON ANG MAPUA 1. ISINAKRIPISYO NG YGC ANG KALEDAD NG PAARALAN PARA MAUNA ANG KANYANG INTERES, ANG MABAWI ANG KANYANG PAGKALUGI. KUNG SA BAGAY, NEGOSYO NGA ITO, PARA SAAN BA ANG NEGOSYO, PARA KUMITA KA DI BA?!?!?! 1. PINERAHAN NYO LANG KAMING MGA ESTUDYANTE 1. PARA SA KANYA, IISA ITONG NEGOSYO AT HINDI ISANG INSTITUSYON PARA SA EDUKASYON!!! 1. GINAWA LANG NIYANG STEPPING STONE ANG MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY PARA SUMIKAT ANG MALAYAN COLLEGES 1. NAPAKASWERTE KO NAMAN AT NAGKATAON NA NUNG NAG-ARAL AKO SA MAPUA ESTE MALAYAN COLLEGES, DEGRADED NA PALA ANG EDUKASYON DOON, TAPOS, ANG PRESYO NG BINABAYARAN KONG MATRIKULA, PARA SA DE KALEDAD NA EDUKASYON, AT KAILANGAN KO PA MAG-ENROLL ULIT KUNG SAKA-SAKALI SA MALAYAN COLLEGES PAG NAGING STABLE NA ANG "PANANALAPI" NITO PARA MAKUHA KO NA NAMAN ANG "QUALITY EDUCATION" NG MALAYAN COLLEGES NA PILIT NYONG SINASABI NA KATULAD NG SA MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY, NA HINDI NAMAN!!! NOW, I DARE YOU, TELL THOSE INVESTO... I MEAN ENROLLEES THAT THEY WILL NOT STUDY IN MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY, AND INSTEAD, IN MALAYAN COLLEGES!!! NGAYON, MAY TANONG RIN AKO PARA SA IYO, PAANO NAMAN KAMI NA ANG NAIS NAMIN AY MAKAPAG-ARAL NG MABUTI AT MAKAGRADUATE NA MAY DIPLOMA AT TRANSCRIPT OF RECORDS NG MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY?!?!?! KUNG ISASAGOT MO SA AMIN NA ANG MALAYAN COLLEGES ANG DATING MAPUA, WAG MO AKONG TARANTADUHIN, DAHIL KAHIT KAILAN, HINDI MARARATING NG MALAYAN COLLEGES ANG NARATING NG MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY, AT LALONG LALO NA HINDI MALAYAN COLLEGES ANG MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLGY!!! SINIRA NYO ANG PANGARAP KO, NG MGA MAGULANG KO, AT NG IBANG ESTUDYANTE, PATI NA RIN ANG MGA MAGULANG NILA NA MAKAPAG-ARAL AT MAKAGRADUATE NG MAY DIPLOMA AT TRANSCRIPT OF RECORDS NG MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY!!! NAPAKAHALAGA PARA SA AMIN ANG PANGALAN NG MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY!!! YUN ANG ISA SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT KAMI NAG-ENROLL DYAN, AT HINDI PARA MAGING INSURANCE AGENT NG KUNG SINO MAN!!!
__________________
Last edited by Drei : 02-20-2008 at 03:26 PM. Reason: SAAN SA FORUM RULES NA BAWAL ANG "WALL OF RED WORDS" |
|||||||||||||||||
|
Status: Offline
|
|
|
|
#3 (permalink) |
|
Active Elite Member
-=§$§ Class 'SSS' monster poster §$§=-
Join Date: Jul 2007
Location: sa shoe capital
![]() |
Re: What do you think about Mapua's quality now?
aw youve said it all haha WALA na akong masasabi pa nasabi na ni master drei ang lahat bilang MAPUAN
ETO lang ah..... IBA MAG-ISIP ang NEGOSIYANTE sa isang EDUCATOR tsk tsk tsk!!!
__________________
You are the hottest thing since sunburn Oh no, I'm choking! I need mouth to mouth, quick! Life is not measured by the number of breathes we take, but by the number of moments that take our breath away. "God made mud, God made dirt, God made guys so girls could flirt!" Most good judgement comes from experience. Most experience comes from bad judgement. ![]() ![]() ![]() ![]() ![]()
|
|
Status: Offline
|
|
|
|
#4 (permalink) |
|
Senior Member
§-=☺High Poster☺=-§
Join Date: Aug 2007
Location: heaven
![]() |
Re: What do you think about Mapua's quality now?
ginawang negosyo ang mapua o..di ko mabilang kung ilang ang salitang "pera" at "pananalapi" sa post niya..wtf..
inamin na ginawang gold mine ang mapua..loser bottomline: quality has degraded to the nth power just for YGC's pananalapi at ang topic kasi: what do you think about mapua's quality now. hindi what can you say about yuuuuuuuuuuuuuu.. |
|
Status: Offline
|
|
|
|
#5 (permalink) |
|
Active Senior Member
Class 'D' monster poster
|
Re: What do you think about Mapua's quality now?
tumatak sakin yung word na "sakripisyo"
ok ka lang? grr para magkaroon ng konting pag-asa? pera rin yan, and the quality.... sinabihan pa nga kami na next year na lang magenroll eh.. meaning to say anung quality meron ngayon? Last edited by dicidi : 02-14-2008 at 09:07 PM. |
|
Status: Offline
|
|
|
|
#6 (permalink) |
|
Active Senior Member
Class 'C' monster poster
Join Date: Sep 2006
Location: sampaloc
![]() |
Re: What do you think about Mapua's quality now?
tarages naman drei... inubos mo yung sasabihin ko eh
hahahavery well said... tara flame wars muna dito... tanginang yan. sakripisyo? so you mean sinadyang perahan ang mga naunang estudyante ng quarter system talaga no? hindi na nga siya sinasabi eh, ikaw naman talagang proud to say ganun nga... langya. IKAW NA IKAW SI MIT NA GAGONG NAGKAKALAT DITO SA THREAD. SA BAGAY IKAW ANG GUMAWA NITO. FCUK YOU! halatang hindi ka nag-aral sa mapua. bobo! actually, tama ka naman sa puntong palugi ang mapua nung binili niya ito. pero ano nangyari? naiwan masyado ang quality na binibigay ng school kumpara sa paglago ng pera nito.
__________________
Thinkpad Z61m (Titanium) T2500-1GB-X1400-100GB Samsonite L45 messenger Samsung Yh-925gs 20GB Sony DSC-SR80 60GB Sony Cybershot L1 4MP Motorola SLVR L72 Palm Zire 72s Compaq Presario 12XL500 April 2007 ECE Licensure Exam Passer... thank you God |
|
Status: Offline
|
|
|
|
#7 (permalink) |
|
Active Senior Member
{*] Masteral Student [*}
Join Date: Nov 2006
Location: sa ilalim ng buwan..ahaaa..
![]() |
Re: What do you think about Mapua's quality now?
tae...buraot ka...mukang pera...sipain kita sa ulo e...buti kung madali mong mapapagaral ang lahat ng gustong mag-aral sa eskwelahan mo..
galing ako sa mapua high, at siguro kahit kung high school ang binalak na papalitan ang pangalan, at nalaman ng lahat, welga na yun.. bwiset!
__________________
Continous Improvement..
|
|
Status: Offline
|
|
|
|
#8 (permalink) |
|
Newtype Mobile Suit Pilot
-=§$§ Class 'SSS' monster poster §$§=-
|
Re: What do you think about Mapua's quality now?
Sa inyong lahat na ang tingin nyo sa sarili ay mga Mapuans, sorry sa post ko't di ko na napigilan sarili ko. Pero kailangan ko nang isampal sa mga lintik na admin na yan ang kanilang pinaggagagawa at kahit anong sabihin nila, katarantaduhan pa rin yung mga justifications nila...
Ngayon, I_LOVE_MALAYAN, kung mababasa mo ito, SIGE, SAGUTIN MO MGA PUNTOS NAMIN NA BINABATO NAMIN SA INYO!!! BAKIT NYO KAILANGANG PABABAIN ANG KALEDAD NG EDUKASYON HABANG GINAGATASAN NYO KAMI NG PERA NAMIN SAMANTALANG HINDI NAMAN NA KAMI MAKIKINABANG SA EDUKASYON NA IBIBIGAY NYO KAPAG "STABLE" NA ANG PANANALAPI NA UMIIKOT DYAN SA MALAYAN COLLEGES LAGUNA?! P.S. Hindi ka na dapat bumati ng magandang hapon sa amin. Kung may utak ka nga, alam mo na dapat na puro katarantaduhan na ang sasabihin nyo sa amin pagkatapos ng mga katarantaduhang ginawa at ginagawa pa sa amin. At kahit anong sabihin nyo, hindi nyo na kami maloloko. Napakalaki mong tanga para pumunta sa isang teritoryo na hostile para sa mga taong katulad mo. Oh shit, tinanong ko yung tanong ni MIT sa akin, MIT, kung pwede ka na sa date natin, PM mo lang ako!
__________________
Last edited by Drei : 02-16-2008 at 10:52 AM. Reason: ayan, pwede na ba yan kung ikukumpara sa font size 1 na red ang kulay?! |
|
Status: Offline
|
|
|
|
#9 (permalink) |
|
Active Senior Member
{*] Masteral Student [*}
Join Date: Nov 2007
Location: caloocan
![]() |
Re: What do you think about Mapua's quality now?
teka....kung alam na nang mga examinees(alam na nga ba nila) na nagdedegrade na ang quality ng mapua....bakit nageenroll pa rin sila dito(in my case kasi kaya ako nagenroll dito...hindi ko pa alam kung anu na ba talaga ang nangyayari sa mapua...eye opener ang MO..hahaha..)....umaasa pa kaya yung mga papasok dito na babalik ulit ang dating quality ng mapua kaya sila nageenroll dito?
@i love malyan....sana maging active ka sa thread na ito kasi marami rin akong itatnong sayo.....sana kung admin ka man or import na studyante ng malayan laguna...well maghanda ka na....99.9% ng mga nasa MO bwahahah igigisa ka....masgrabe pa kay jun lozada....bwahahahaha
__________________
kaya pinili kong maging masaya ay dahil mas madali ang ngumiti....kaysa magpaliwanag kung bakit ako malungkot ![]() di ako isang hero sa dota na pagayaw mo na eh pwede mong irepick!!! Last edited by marcnometer : 02-14-2008 at 11:24 PM. Reason: para kay i_love__malayan |
|
Status: Offline
|
|
|
|
#10 (permalink) | ||
|
Aspirant
Mapua Applicant
|
Quote:
Naku I_love_malayan, do you speak in behalf of the *********'s? kasi kung ako mga ********* I would have fired you the moment you posted the above. Fraud yang ginawa nyo eh, pwede kang makasuhan dyan. You deliberately toyed with the future of your clients by lowering the standard of the school. Customer yung mga students, nagbayad sila ng full tuition para masigurado nila na maiibigay sa kanila yung pinangako ng MIT na kalidad ng edukasyon.. kaya kung totoo yang sinasabi mo, naku, class action law suit ito .. ![]() And yeah, I agree.. di dpat nabanggit yung sakripisyo dahil nagbabayad naman ng full yung mga estudyante. Walang karapatan ang admin ng Malayan na isakripisyo ang kalidad ng edukasyon para lang mabawi kaagad kung ano mang halaga yung binayad nila sa former owners ng Mapua. Grabe, so ngayon malinaw na.. hindi nagkaroon ng quarter term para mapabilis ang graduation time ng mga estudyante.. bagkus isa itong money making scheme ni ********* para mabawi agad yung puhunan nya... shame! shame! shame! ![]() Quote:
Focus ka masyado dun sa rami ng pumasa, pero dun sa rami ng bumagsak eh binabale wala mo na kung tutuusin eh 60% TO 70% LAGI ng examinees ng Malayan.. Daan daan yung mga Malayans na bumabagsak sa board.. mas marami sa pumasa.. so ang daming nagcicirculate sa job market na graduate ng Malayan na hilaw or walang kalidad ang nalalaman.. no wonder ganun kasama ang impression ng mga recruiters sa mga Malayan applicants nila... Yun ang itatak mo sa isipan mo MIT, these dominant half cook grads ng Malayan ang naghihila pababa sa school mo .. Yan ba ang best? ![]() Sige ipakita mo na yung data mo.. tingnan natin kung may binatbat ang mga Malayans in absolute and relative terms. ![]() Last edited by Botee : 02-15-2008 at 11:27 PM. |
||
|
Status: Offline
|
|
![]() |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
| ||||