Home User CP Browse Members Calendar Register Today!  
Get New posts Faq / Help? Gallery Blog Item Shop RPG
   

Not A Member Yet? Register today and become part of the community.

Go Back   Mapua Ownage : Unofficial Mapua Message Boards > Water Cooler > Creativity Section



Creativity Section for the talentados

Reply
 
LinkBack Thread Tools Display Modes
Old 03-08-2008, 08:11 PM   #1 (permalink)
usurper
Active Senior Member
{*] Masteral Student [*}
 
usurper's Avatar
 
Join Date: Dec 2006
Location: Mandaluyong labas at loob
Posts: 622
Points: 9,325.57
Bank: 20,419.91
Total Points: 29,745.48
Donate
usurper is on a distinguished road
[Adaptation] Pinoy Big Battle Royale

Pinoy Big Battle Royale
(Usurper's Adaptation to a Japanese Popular and Controversial hit movie "Battle Royale")



(story poster coming soon!)


Paunang Salita:

Layunin ng kwentong ito ay ipahayag ang aking nakikita sa ating kapaligiran ngayon lalo na sa ating pulitika. May mga prominenteng tao at lugar akong ginamit sa kwentong ito upang bigyan ng kulay ang buong kwento ngunit hindi ibig sabihin nito ay gusto kong sirain ang kanilang pagkatao o kredibilidad. Kung may kapareha kayo dito sa aking istorya ay hindi po ito sinasadya at pasensya na po.

Babala:

Ilan sa mga eksenang mababasa dito ay mga kahindig-hindig at karumal-dumal na pangyayari. Ilan rin sa mga linyang sinabi ng mga tauhan sa kwentong ito ay lantaran at maahanghang. Nasa inyo na po kung handa kayong makabasa ng mga ganung klaseng mga eksena o hindi. Hindi po rin ito rekmendadong basahin ng mga bata o mga taong hindi pa mulat sa realidad ng buhay. Sana maintindihan nyo po ito. Salamat.

================================================== =========================

Lupon ng mga tauhan:

B-23: Andrei Villalobos - ang pangunahing tauhan ng istorya na pinagkaitan ng pag-unawa. Isa siya sa pinakagwapo at pinakamatalino sa klase subalit tamad at laging pinagkakaisahan ng buong klase dahil sa kanyang kakaibang personalidad. Sa bahay, siya'y hindi napapansin, pinag-iinitan at minamaliit ng kanyang mga kasama sa bahay lalo na ng kanyang ate't bayaw sa kabila ng kanilang kagustuhang ituro ang tamang landas ng buhay sa kanya. Gayumpaman, nanatiling mapagmahal sa kanyang mga mahal sa buhay at handa siyang tumulong sa mga nangangailangan gamit ang kanyang hindi mapaliwanag na talino at kakayahan.

G-28: Karina "Kira" Yupangco - ang pinakamaganda at isa sa pinakamatalino sa klase. Siya'y nabiyayan ng makamundong yaman at mga mabubuting kaibigan. Gayumpaman, hindi pa siya marunong sa mga practical applications ng buhay tulad ng simpleng paghuhugas ng pinggan, paglalaba at iba pa. Siya ang "apple of the eye" ni Andrei.

B-17: Jokerson Padilla - ang pinaka-astig sa klase at kinatatakutan ng nakararami. SInasabing sa murang edad ay namulat na siya sa realidad ng buhay dahil hindi niya naranasan ang pagmamahal ng kanyang ama kaya napilitang tumulong sa kanyang ina sa mga gawaing bahay at opisina. Kahit kinatatakutan siya, siya ang nilalapitan ng nakakararami upang hingan ng mga payong kaibigan at mga tungkol sa pag-ibig.

B-03: Edgar Aguirre - ang karibal ni Andrei simula nung elementary pa dahil naiinggit siya sa galing at talino ni Andrei sa kabila ng kanyang kakaibang personalidad. Nakilala siya bilang isang athletic na kung saan magaling siya sa paglalaro ng basketball at isang varsity player ng track and field bilang isang sprinter.

Sir Soriano - ang class adviser nina Andrei na kilala bilang strikto at disiplinado. Maraming natatakot sa kanya sa tuwing magsasalita siya dahil sa laki at lalim ng boses niya. Siya'y nagresign bilang class adviser nila upang ipagpatuloy ang kanyang masteral sa St. Therese of Liseux College subalit, sapilitang tinawag ng pamahalaan upang pamunuan ang PBBR. May katangkaran rin at kayumanggi ang pangangatawan.

Special Participation - "Big Brother" - ang makapangyarihang tauhan ng pamahalaan at ang namamahala ng Isla ni Kuya na kung saan nagaganap ang PBBR. Hindi tulad ng nakilalang "Kuya" sa isang sikat na TV network, gusto niyang makakita at maka-amoy ng dugo sa kanyang lugar kaya nagbibigay siya mga mga karumal-dumal na tasks upang mapwersa ang kanyang mga "housemates" na magpatayan.


================================================== =========================

Panimula:

Rekomendadong Background Music: Dies Irae - Giuseppe Verdi's Requiem

Sa kalagitnaan ng taong 2010, ang buong bansa ay nasa ilalim ng Batas Militar. Bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas, 25% ang inflation rate at 20 milyong katao ang walang trabaho. Biglang dumami ang populasyon. Sinuspende ang "writ of habeas corpus" at sapilitang tinanggal ang Commission of Human Rights (CHR). Ang kabataan ay naging mas agresibo at nangunguna sa malawakang demonstrasyon sa EDSA at sa Mendiola. Sila'y natutong humawak ng mga sandata at ginagamit nila ito bilang panlaban sa mga sundalong nagmamalabis sa kanila. BIlang tugon ng pamahalaan, nagdesisyon ang nahalal na pangulo nung nakaraang Mayo na ipasa ang E.O. 676 na pinamagatang "Students' Education Reformatory Act of 2010" o ang binansagan ng kabataan - "Battle Royale Act."

Sa isang apartment sa may Sampaloc pinapanood ni Andrei Villalobos, isang 3rd year high school student sa isang katolikong paaralan, ang isang palabas sa Kapanalig Network. Sa kanyang TV screen, pinapakita doon ang isang private plane na kung saan palapag ito sa compound ng nasabing istasyon ng TV. May nagsalitang reporter sa screen habang lumalapag ang private plane sa isang landing pad sa pinakatuktok ng nasabing compound.

"Teddy, narito tayo ngayon sa Kapanalig compound na kung saan masasaksihan natin ang pagbaba ng kampeon sa katatapos pa lang ng Pinoy Big Battle Royale. Alam naman natin na ang Vicente Magsaysay Memorial High School ang napili ngayong taon mula sa 75000 klase sa High School dito sa Pilipinas upang lumahok sa programa ng ating pamahalaan sa pakikipagtulungan ng ating network at ng ating karibal. Sinasabing ito na ang isa sa pinakamalubha at pinakamadramang edisyon sa kasaysayan ng PBBR..." sabi ng isang prominenteng reporter ng Kapanalig Network

"Narito na po siya. Sandali, Teddy, lalapitan muna natin siya!" nagmamadaling sinabi nung reporter

Sa kanyang background ay nagkakagulo na ang mga media dahil bumaba na ang nanalo sa katatapos pa lang na PBBR. Sa paglabas niya sa main entrance ng compund, binabantayan siya ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ineescortan siya palabas ng GRN compound. Ang mga media ay panay ang pagkuha ng litrato sa nanalong bata habang hinahawi sila ng militar upang makadaan palabas ng compound. Habang nangyayari ito ay pinagpatuloy niya ang kanyang report.

"...Hayun siya! Tignan nyo siya! Isa siyang babae! Mula sa 60 estudyante ng 4-Edison ng VMMHS ay siya po ang natira. Nagtagal ang madramang labanan sa loob ng 2 araw, 15 oras, 42 minuto at 33 segundo at siya lang ang natira. Kamangha-mangha ito! Ang nanalo ay isang babae." sabi nung reporter habang hinahabol ang kanyang hininga.

Nagulat ang lahat nang inangat ng nanalong babae ang kanyang ulo at nakita sa kanya ang mga bakas ng mga tumalsik na dugo at mga sugat sa katawan. Hawak-hawak din niya ang balaraw nanaka-grip sa magkabilang kamay. Nanlisik ang kanyang mga mata at ngumiti na parang sadista.

"Tignan nyo siya, ngumiti siya sa atin!" sabi nung reporter

"Tignan nyo, nakalagay sa kanyang ID, Maria!" sigaw nung isa pang reporter mula sa karibal na network.

Patuloy ang pagkuha ng litrato ang media. Sinubukan din nilang magsagawa ng isang ambush interview sa kanya pero pinipigilan sila ng "Marines".

Nakita siya ng kanyang nakatatandang kapatid na babae na nanonood ng TV at sinita siya nito.

"Psst, ano na naman ang pinapanood mo?" tanong ng kanyang ate

"Isang reality show, bakit?" pabalang na sagot ni Andrei

"Kita mo na, Andrei. Grabe na ang sitwasyon dito sa Pilipinas kaya huwag kang tatanga-tanga. Magsikap ka upang makawala ka dito sa ating naghihingalong bansa. Sundan mo ang nanay at tatay sa Amerika at doon ka magtrabaho."

"OO" napipilitang sinabi ni Andrei

"Gawin mo!" pahabol at pahamong sinabi ng kanyang ate.

Iniwan siya ng kanyang ate sa kanyang kwarto. Pagkatapos, umiling lang si Andrei bilang tugon sa mga sinabi ng kanyang ate.
__________________
Suspended, Under Discussion!
Expect more twists, more drama, more action SOON!

Please leave a comment/criticism. Thank you!

Last edited by usurper : 05-27-2008 at 10:32 AM.
Status: Offline
 
Reply With Quote
Old 03-19-2008, 02:20 PM   #2 (permalink)
usurper
Active Senior Member
{*] Masteral Student [*}
 
usurper's Avatar
 
Join Date: Dec 2006
Location: Mandaluyong labas at loob
Posts: 622
Points: 9,325.57
Bank: 20,419.91
Total Points: 29,745.48
Donate
usurper is on a distinguished road
Chapter 1

Kabanata 1: "Sino ba talaga ako?"

Nag-iisa si Andrei sa kanyang kwarto at naglalaro ng DOTA sa kanyang desktop computer. Dito niya madalas ibinubuhos ang kanyang sama ng loob sa mundo. Madalas inaabot siya ng madaling araw sa kakalaro.

"Ako si Andrei, labinglimang taong gulang at third year high school student sa St. Therese of Liseux High School, isang pribado at katolikong paaralan dito sa Sampaloc. First year pa lang ako at iniwan na ako ng aking mga magulang dahil pinetisyon na sila ni ate sa States. Kaya nagpasya akong tumira sa isa ko pang ate na siyang panganay sa aming magkakapatid dito sa Sampaloc. Tutal siya naman ang magpapaaral sa akin at malapit lang ang eskwelahan ko dito. Sa una ayos lang ang pagtira ko dito. Binibigay naman niya ang aking mga pangangailangan kalakip nito ang responsibilidad dito sa bahay at sa eskwelahan. Ang ayoko ko lang sa kanya ay madaling magalit tulad ko. Yung sa kanya kasi maliit na bagay lang ay pinapalaki pa niya tapos i-coconnect pa niya sa ibang bagay. Halimbawa, kapag pinapagalitan ako sa isang bagay, i-coconnect pa niya sa dati ko pang kasalanan. Feeling ko ineexploit niya ang aking kahinaan - ang pagkakaroon ko ng "identity crisis". Tinuturuan naman niya ako pero hindi niya alam kung paano niya ako i-momotivate o i-eencourage. Nakakainis siya pero dapat mahalin ko pa rin siya bilang nakatatandang kapatid."

Umalingawngaw ang tunog sa kanyang nilalaro - "Momomonster Kill!"

"Boring na ito! Parang yung mga nangyayari sa aking paligid ngayon. Puro rally wala namang nagyayari. Hindi matapos-tapos na mga investigasyon sa Senado. Yung mga opisyal ng Malakanyang, puro pagpapalaki ng tiyan ang inaatupag. Buti pang ipakain na lang nila sa mahihirap tulad namin na nag-aaral ng mabuti [pero si ate at ang bayaw ko, may-kaya kaya I consider myself as maykaya na rin. However, umaasa lang ako at hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong paa.] Feeling ko hindi na uunlad ang Pilipinas kasi paulit-ulit na lang ang mga nangyayari. Pana'y ang awayan ng mga magkakamag-anak sa pulitika, hindi matapos-tapos na isyu ng koruption, tumataas ang presyo ng mga bilihin, puro kudeta to rebelyon. Yung nahalal na pangulo nung nakaraang Mayo, hindi nga trapo tuta naman ng administrasyon at mayayamang negosyante. Dinaya na naman daw si ganito, si ganyan. They sucks! Mas bibigyan ko na lang ng pansin ang aking sarili."

Umalingawngaw muli ang tunog sa kanyang nilalaro - "Godlike!"

"Ewan ko ba pero bigla na lang nagbago nung naaksidente ang biyenang lalaki ni ate. Nagsilabasan lahat ang mga dating problema sa pamilya ni kuya (ang bayaw ko). Pati ako nadamay na rin. Nag-iba ang tingin nila sa akin pati katulong namin na-iinsecure sa akin at feeling ko ineexploit din nila ang aking kahinaan. Mas pinapaboran nila yung iba ko pang kasama sa bahay kaysa sa akin.Si ate rin pag may kasalanan akong nagawa, madali siyang manita pero pag may achievement ako parang wala lang sa kanya. Bakit kaya sila nagkakaganun?"

Sa parteng ito ay pinipindot niya ng paulit-ulit ang mouse at umalingawngaw na naman ang tunog sa kanyang nilalaro - "Holy Sh*t!"

"Hindi lang dito sa bahay nangyayari ang ganun. Pati sa eskwelahan pinagtutulungan din ako ng buong klase. Tinutukso nila ako, ipinapahiya sa harapan ng titser, iniiwan sa ere, iniiwasan ng mga babae, the list goes on and on...para bang 1 vs. 50. 51 kasi kami sa klase eh. Nagtataka nga ako eh kung bakit nila ako minamaliit eh pare-pareho lang naman kaming normal na estudyante na nag-aaral sa isang laboratory High School. Maputi ang aking complexion tulad ng isang tipikal na Hapon. Siguro naman walang dahilan ang mga girls para hindi nila ako mapansin. Matalino din naman ako lalo na sa Math. Hindi nga ako naalis sa top 5 eh sa mga quizzes at periodical exams. Yun nga lang, tamad akong gumawa ng mga activity cards o sa iba, assignments. Siguro, ang pagkakaroon ko ng "identity crisis" ang dahilan kung bakit nila ako iniiwasan at kinaiinisan. Naiiba daw kasi ang kilos ko hindi tulad sa isang normal na tao. Naku, yan din ang sinasabi ni ate at kuya sa 'kin. May halong katotohanan din iyon pero hindi ko iyon matanggap. Ewan ko ba. Sino ba talaga ako? Ano ba talaga ang role ko dito sa mundo?"

Bigla siyang nabagot sa paglalaro ng DOTA kaya pinatay niya ang kanyang computer at natulog.

Kinabukasan, na-late ng pasok si Andrei. Siya na lang ang wala pa sa klase kaya pagpasok niya, sinita siya ng kanyang class Adviser na si Sir June Soriano.

"Mr. Villalobos, you're late again." sita ni Sir Soriano

"Sir, pasensya na po. Traffic po sa may Fajardo eh." nagmamadaling sinabi ni Andrei

"Tignan nyo siya, parang gripo ang kanyang mukha. Tagatak ng pawis." sigaw ng isa niyang kaklase

"Sir, palabasin nyo po siya." hiyaw ng isa pa niyang kaklase sabay naghiyawan na ang buong klase.

"Silencio, por favor!" sigaw ni Sir Soriano sabay tumahimik ang buong klase.

"Mr. Villalobos, ganito na lang. Mas mabuting sa labas ka muna at hintayin mo ang susunod na klase. In short, absent ka ngayon." Dugtong ni Sir Soriano

"Alright! Andrei, Labas!" hiyaw ng buong klase

Bakas na bakas sa mukha ni Andrei ang hiyang natamo niya sa buong klase. Nanliliit siyang lumabas ng klase at isinara ng malakas ng isa niyang kaklase ang magkabilang pinto ng classroom. Habang lumalabas siya, hindi naiwasang maawa ni Karina Yupangco, isa sa pinakamatalino at pinakamagandang babae sa klase nila. Gayumpaman, ayaw ng kanyang barkadang nerd sa kanya kaya itinatago na lang niya ito.

Sa labas ng classroom, nagtanim ng sama ng loob si Andrei

"t@ng in@ nila. may araw din sila."

Habang nasa labas siya, iniisip niya yung tipo niyang babae sa classroom habang nakatingala siya sa langit.

"Nakaka-turn off naman ito kay Kira. Nabasted na nga ako nung biyernes eh bad shot pa ako ngayon..."

Naalala niya yung araw na binasted siya ni Kira nung JS prom. Hinding-hindi niya ito makalimutan dahil yun pa ang unang pagkakataong makasayaw ng isang babae tapos napilitan pa. Habang nagsasayaw ng slow dance ang dalawa, nag-usap sila ng masinsinan.

"Maraming salamat, Kira at pinayagan mo akong isayaw kita." sabi ni Andrei

"Alam mo, Andrei, may sasabihin ako sa 'yong importante..." banat agad ni Kira

"Ano yun?"

"Gusto ko sanang malaman mo...na hindi pa ako handang makipagrelasyon. Kaya sana tigilan mo na ako at kalimutan mo na ang panliligaw sa akin."

"Ganun ba? Kahit bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon?"

"OO, Andrei, sana maintindihan mo."

Binitawan agad ni Kira ang mga kamay ni Andrei. Pagkatapos, pumunta si Andrei sa CR upang punasan ang kanyang mga matang lumuluha. Pinipilit niya itong pigilan pero hindi niya ito magawa dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Si Kira kasi ang kanyang first love. Pag-uwi niya sa bahay, hindi tumigil sa kakaiyak si Andrei hanggang sa kanyang pagtulog.

Minsan biglang nagdeklara ng walang pasok ang buong metro manila. Hindi alam ni Andrei yun dahil sinuspinde siya ng prinsipal dahil nasangkot siya sa isang away-bata.Dahil doon nagmamadaling pumasok siya sa paaralan. Sa kanyang pagdating sa classroom, hinarang siya ni Sir Soriano.

"Sir sorry po kung..." humihingal na sinabi ni Andrei

"Huwag ka nang mag-sorry. Sanay na ako sa yo...pero mapalad ka dahil walang pasok ngayon." banat agad ni Sir Soriano

"Bakit po? At saka bakit hindi man lang ako inabisuhan ng mga kaklase ko?"

"Kasalanan mo na iyon. Ngayon ang araw na kung saan pipili ang pamahalaan ng lalahok sa kanilang programa bilang tugon sa Executive Order 676."

"E.O. 676, ano po iyon?"

"Sige na, umuwi ka na. I-google mo na lang yan sa bahay."

Pag-uwi niya sa bahay, nag-internet agad siya upang malaman kung ano ang sinasabi ng kanyang guro. Sa kanyang computer screen, nakalabas ang website ng Google at doon niya tinype yung E.O. 676. Nagulat siya sa kanyang nakita.

"Vicente Magsaysay Memorial High School is selected for this year's Pinoy Big Battle Royale. The year 4 section Edison is the lucky class who will participate this year...Ang kabilang eskwelahan namin ang napili para sa bagong edisyon ng PBBR. Teka nasaan dito ang E.O. 676?" nagtatakang sinabi ni Andrei habang binabasa ang nilalaman ng PBBR website.

Nang magbukas siya ng isa pang webpage, doon niya nalaman ang E.O. 676.

"Ganun pala yun. Pareho lang sila nung PBBR. Grabe naman ang pamahalaang ito. Isasakripisyo nila ang mga inosenteng bata para sa isang short term solution sa population growth at juvenile deliquency. Wala man lang magawa ang mga alagad ng simbahan ukol dito? Kung sa bagay, hindi na pinapansin ng pamahalaan ang boses ng simbahan. They apply the rule of Seperation of the Church and the State too much. Pero ba't ganun, kailangan pang mawalan ng pasok ang buong Metro Manila para magsagawa ng kanilang pagpili ng mga lalahok? That doesn't makes sense."

Biglang naglaro ang isipan ni Andrei kaugnay ng PBBR

"Ano kaya kung isang araw mapili ang section namin para diyan?"

Isang taon ang nakalipas at panibago at huling school year na ni Andrei sa STLHS. Sa pagpasok niya sa klase, napansin niyang hindi nagbago ang [seating] arrangement ng kanilang classroom. Sa kanilang section (4 - Alpha) ay pabilog ang pagkakalagay ng upuan para magkaharap ang mga estudyante at may espasyo kung sakaling may mga presentation hindi tulad sa kabilang section (4 - Beta) ay ang tradisyunal na nakaharap sa pisara. Nung dumating siya ay parang hangin lang ang dumaan. Wala masyadong nakapansin sa kanyang pagdating. Umupo siya sa tabi ng magbabarkadang lalaki na kung tawagin nilang Project 999, mga magbabarkadang nakatira sa Project 9, sa gawing kanan ng classroom malapit sa kanang pinto. Sila yung masasabing mga pasaway pero nakakatawa at magagaling sa sports. Minasdan niya ang buong paligid habang hinihintay niya ang kanilang class adviser.

"Hindi pa rin nagbago ang section namin. Magkakasama ang mga magkakabarkada. Ikaw ba naman, mula first year hanggang fourth year ay magkakaklase kami. Buti nga eh hindi kami nagsasawa sa isa't isa. May mga nabawasan sa mga magbabarkada at nagsilipatan sa iba pero ganun pa rin ang lifestyle nila. Ako, ganun pa rin - walang naturingang barkada pero kaya kong mag-adopt sa kanilang lifestyle. Ability ko yun eh. May 5 malalaking barkada at 4 na malilit na barkada dito sa klase namin. Pag-nakaharap ka sa pisara sa gawing kaliwa ay nandoon ang barkada ng mga academic awardees [but not necessary mga nerds sila kasi may mga leisures din ang mga iyan]. Diyan kasama ang aking "apple of the eye" na si Kira. Sa baba nila ay mga mahihilig sa anime at manga. Maraming nag-iingat diyan kasi mga emotional silang mga tao. Yung iba diyan eh madaling masaktan at sensitive. Dito sa may gawing baba sa gitna ay mga fashionista at gimikera. Nandiyan ang aking kinakapatid na si Riza pero hindi kami ganung ka-close. Dito sa tabi ko ay ang Project 999, mga taong nakatira sa Project 9. Sila yung madalas mang-asar sa akin pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay sinasama nila ako sa kanilang mga inuman at ako ang kakunchaba nila sa mga quizzes at periodical exams. Sa gawing taas naman ay ang mga sosyalista at elitista. Diyan kasama ang aking dating schoolmate ko sa San Benedicto na si Edgar at ang dati kong crush na si Malynne, yung maliit at maitim na big boobie. Si Edgar ay ang promotor ng mga pang-aasar sa akin at pagpapahiya sa klase. Yung apat na maliliit na barkada ay mga kaalyado ng mga malalaking barkada. May mga magagaling sa computer games, may magaling na singer at painter, may magaling na debater, may girlash na magaling sa basketball at may isang maton na exposed na sa realidad ng buhay nung bata pa. Nandun din sa mga maliliit na barkada ang aming pangulo na si Erasmo. Kahit 3 lang sila ni Arvin at Serena, malaki ang kanilang impluwensiya sa takbo ng buhay sa loob ng aming classroom."

Biglang dumating ang bagong class adviser nina Andrei.

"Good morning, class!" bati ng kanilang bagong class adviser

"Good morning, Maam..." bati din ng buong 4-Alpha

"Ano nga po palang pangalan nyo, Ma'am?" banat ng isang estudyante

"Now you may take a seat." sabi ng kanilang class adviser at natawa siya sa itinanong ng isang estudyante.

Sa pagupo ng buong klase, nagsimulang magpakilala ang kanilang bagong class adviser.

"Ako si Ma'am Rose Paez, ang bagong class adviser ninyo. Si Sir Soriano ninyo ay nag-leave sa pagtuturo upang mag-aral ng masteral sa ating Kolehiyo." sabi ng kanilang class adviser.

"Yes, wala nang mahigpit sa klase natin!" bulong-bulungan ng nakararami.

"Natutuwa naman ako at hindi kayo katulad ng ibang mga bata na binoboycott ang eskwela upang sumama sa mga kilos-protesta." sabi ni Ma'am Paez

Sa loob loob ni Andrei, sinagot niya ang sinabi ng kanyang guro.

"Eh, ma'am wala rin namang mangyayari eh. Kaya dito na lang kami at mag-aaral."

Sa paglipas ng mga buwan, ganun pa rin ang takbo ng buhay sa loob ng 4-Alpha. Nandoon pa rin ang pagsali sa mga contests, annual recollection, intrams at field trips. nandoon pa rin ang walang kamatayang pag-aasar sa akin at pagpapahiya sa buong klase. Hindi naman siya inaano ni Andrei pero patuloy ang pang-aasar sa kanya sa kabila ng pagiging disenteng tao at matalino sa klase.

Isang araw, nagkaroon ng Field Trip sa Corregidor. Ang buong klase at ang kanilang class adviser ay nakasama sa trip na iyon. Sa setting ng kanilang mga upuan ay magkakasama ang magkakabarkada. Si Andrei ay nakasama niya ang buong Project 999 sa likod ng bus. Although sinasama siya sa mga biruan, nananahimik lang siya sa isang tabi. Papauwi na noon ang buong klase galing sa Corregidor. Magtatakip-silim noon nung tinatahak na nila ang daan patungong Maynila. Ang lahat ay pagod na pagod sa kakaikot sa buong Corregidor kaya lahat sila ay bagsak sa kanilang mga upuan. Lingid sa kaalaman ng buong klase ay nadadaanan nila ang grupo ng mga militar na nakabantay sa mga checkpoints. Sa kanilang dinadaanan ay pumasok sila sa isang malaki at madilim na tunnel. Bigla na lang nagising si Andrei dahil siya ay naiihi kaya pumunta siya sa CR sa likod niya. Sa paglabas niya ay lumingon siya sa buong paligid at napansin niyang tulog ang buong klase. Pagharap niya ulit sa harapan ay nakita niyang may nakatayong mama na nakabonnet. Hinataw siya sa batok at bumagsak sa sahig ng bus.

Sa pagtahak ng kanilang sinasakyan sa kung saan ay magbabago ang kapalaran nila sa ilang sandali...

Wakas ng unang kabanata.
__________________
Suspended, Under Discussion!
Expect more twists, more drama, more action SOON!

Please leave a comment/criticism. Thank you!

Last edited by usurper : 03-20-2008 at 09:23 PM.
Status: Offline
 
Reply With Quote
Old 03-19-2008, 03:15 PM   #3 (permalink)
santongbusabos
Moderator
-=§$§ Class 'SSS' monster poster §$§=-
 
Join Date: Jan 2007
Location: sampaloc tree
Posts: 3,306
Points: 33,768.36
Bank: 0.00
Total Points: 33,768.36
Donate
santongbusabos is on a distinguished road
Send a message via AIM to santongbusabos Send a message via Yahoo to santongbusabos
Re: [Adaptation] Pinoy Big Battle Royale

andrei? andrei bernal?
__________________
Minsan lang palitan ng libog ang takot. Bahala na.

- http://santongbusabos.blogdrive.com
Status: Offline
 
Reply With Quote
Old 03-19-2008, 04:35 PM   #4 (permalink)
Drei
Newtype Mobile Suit Pilot
-=§$§ Class 'SSS' monster poster §$§=-
 
Drei's Avatar
 
Join Date: Nov 2006
Location: Kung wala sa bahay, nasa opisina... Kung wala sa opisina, nasagasaan ng eroplano doon sa hangar...
Posts: 6,078
Points: 126.60
Bank: 1,522,176.49
Total Points: 1,522,303.09
Donate
Blog Entries: 2
Drei is an unknown quantity at this point
Send a message via Yahoo to Drei
Re: [Adaptation] Pinoy Big Battle Royale

Bakit nabanggit ang pangalan ko rito?
Status: Offline
 
Reply With Quote
Old 03-19-2008, 06:54 PM   #5 (permalink)
ecinue
Elite Member
Class 'A' monster poster
 
Join Date: Dec 2006
Location: Las Piņas City
Posts: 1,289
Points: 5,345.02
Bank: 3,045.68
Total Points: 8,390.70
Donate
Blog Entries: 2
ecinue is on a distinguished road
Send a message via Yahoo to ecinue
Re: [Adaptation] Pinoy Big Battle Royale

haha nice. pwede population control XD

bida si kuya drei! nyahaha XD
__________________
Status: Offline
 
Reply With Quote
Old 03-19-2008, 07:13 PM   #6 (permalink)
usurper
Active Senior Member
{*] Masteral Student [*}
 
usurper's Avatar
 
Join Date: Dec 2006
Location: Mandaluyong labas at loob
Posts: 622
Points: 9,325.57
Bank: 20,419.91
Total Points: 29,745.48
Donate
usurper is on a distinguished road
Re: [Adaptation] Pinoy Big Battle Royale

aba'y hindi ko pa tapo i-edit yung story may comment na agad crap kasi yung connection ko sa bahay.

@master Drei - hindi ko alam na Andrei pala real name mo. pasensya na kung nagkapareho Villalobos naman siya eh.
__________________
Suspended, Under Discussion!
Expect more twists, more drama, more action SOON!

Please leave a comment/criticism. Thank you!
Status: Offline
 
Reply With Quote
Old 03-19-2008, 09:15 PM   #7 (permalink)
Drei
Newtype Mobile Suit Pilot
-=§$§ Class 'SSS' monster poster §$§=-
 
Drei's Avatar
 
Join Date: Nov 2006
Location: Kung wala sa bahay, nasa opisina... Kung wala sa opisina, nasagasaan ng eroplano doon sa hangar...
Posts: 6,078
Points: 126.60
Bank: 1,522,176.49
Total Points: 1,522,303.09
Donate
Blog Entries: 2
Drei is an unknown quantity at this point
Send a message via Yahoo to Drei
Re: [Adaptation] Pinoy Big Battle Royale

Haha, no harm done. Iniisip ko kung sakaling totoo yan, tapos sina Gloria, Erap, pati na mga alipores ang nasa kwento, hehe.
Status: Offline
 
Reply With Quote
Old 03-20-2008, 02:18 PM   #8 (permalink)
usurper
Active Senior Member
{*] Masteral Student [*}
 
usurper's Avatar
 
Join Date: Dec 2006
Location: Mandaluyong labas at loob
Posts: 622
Points: 9,325.57
Bank: 20,419.91
Total Points: 29,745.48
Donate
usurper is on a distinguished road
Re: [Adaptation] Pinoy Big Battle Royale

chapter 1 updated and finished!
__________________
Suspended, Under Discussion!
Expect more twists, more drama, more action SOON!

Please leave a comment/criticism. Thank you!
Status: Offline
 
Reply With Quote
Old 03-22-2008, 08:37 PM   #9 (permalink)
usurper
Active Senior Member
{*] Masteral Student [*}
 
usurper's Avatar
 
Join Date: Dec 2006
Location: Mandaluyong labas at loob
Posts: 622
Points: 9,325.57
Bank: 20,419.91
Total Points: 29,745.48
Donate
usurper is on a distinguished road
Official List of Students of Year 4 Section Alpha

Boys:

B1 William Abengoza
B2 Tuffer Adajar
B3 Edgar Aguirre
B4 Ysmael Bernardo
B5 Francois Cruzada
B6 Jaime Davide
B7 Sam Estaniel
B8 Christian Franco
B9 Charlie Gabi
B10 Jerry Garces
B11 Gian Lucena
B12 Erasmo Manalo
B13 Jayson Manalo
B14 Karl Mendiola
B15 Gerry Meneses
B16 Gil Olarte
B17 Jokerson Padilla
B18 Tony Quinto
B19 Arvin Rivera
B20 Gregory Rivera
B21 Bert Tagupa
B22 Jose Tuñacao
B23 Andrei Villalobos

Girls:

G1 Hannah Abadilla
G2 Malynne Abat
G3 Christie Abrenica
G4 Camilla Agcaoili
G5 Gretchen Alvarez
G6 Linda Angeles
G7 Myra Bernabe
G8 Princess Calo
G9 Darling Casimiro
G10 Doreen Cometa
G11 Erika Davide
G12 Jenny De Vera
G13 Luisa Gavino
G14 Lizette Jacinto
G15 Mabel Magnaye
G16 Mylene Melendrez
G17 Serena Meneses
G18 Teresa Pagulayan
G19 Riza Payumo
G20 Cristina Padilla
G21 Maricris Ramirez
G22 Lena Rosette
G23 Rochelle Salcedo
G24 Trixie Tamayo
G25 Katrina Tuazon
G26 Lalaine Velasquez
G27 Elsa Viray
G28 Karina Yupangco
__________________
Suspended, Under Discussion!
Expect more twists, more drama, more action SOON!

Please leave a comment/criticism. Thank you!

Last edited by usurper : 04-13-2008 at 10:05 PM. Reason: changed christopher to christian franco and franco to francois to francois cruzada to avoid confusion
Status: Offline
 
Reply With Quote
Old 03-22-2008, 08:48 PM   #10 (permalink)
usurper
Active Senior Member
{*] Masteral Student [*}
 
usurper's Avatar
 
Join Date: Dec 2006
Location: Mandaluyong labas at loob
Posts: 622
Points: 9,325.57
Bank: 20,419.91
Total Points: 29,745.48
Donate
usurper is on a distinguished road
Chapter 2

Kabanata 2: "Andrei, Patunayan mo!"

Alas-onse na ng gabi at ang buong 4-Alpha ay nanatiling tulog sa mga kahoy na silya sa isang madilim na bahay. Yung iba naman ay sa sahig. Hindi nagtagal ay nagising silang lahat. Nung una ay naalinpungatan lang sila pero napansin ng iba na may nakakabit sa kanilang mga leeg.

"Jose, gising." pabulong na sinabi ni Andrei sa itinuturing ng buong klase na bestfriend niyang si Jose

"Ano ka ba, Andrei. Istorbo ka talaga." naalinpungatang sinabi ni Jose habang kinukutkot ang dalawa niyang mata

"Ano yang nasa leeg mo?" tanong ni Serena sabay turo sa nakasuot sa leeg.

"Hindi ko alam...teka, ikaw rin mayron." sagot naman ni Tony, ang isip bata pero mapagbigay, habang hinahawakan ang nakasuot sa leeg.

"Ako? oo nga no!" sabi muli ni Serena at hindi siya makapaniwalang mayroon din siya

"Teka, nasaan ba tayo?" tanong ni Doreen, dating presidente ng 4-Alpha

"Erasmo, nasaan tayo?" tanong din ni Kira

"Hindi ko alam, Kira." natatakang sagot ni Erasmo

"Tignan nyo, may mga ilaw sa may bintana!" sigaw ni Lizette, ang gossip queen ng clase.

Nagsipuntahan ang buong klase sa malalaking bintana. Nakakita sila ng mga gumagalaw na ilaw na parang flashlight. Di nagtagal, nadiskubre nila na ilaw pala ng helicopter na paikot-ikot sa taas ng kanilang lugar. Nasisilaw sila sa liwanag na nagmumula sa helicopter. Sa labas ng bahay ay punung-puno ng mga naka-unipormeng sundalo. Lahat sila ay nakapila sa isang open field kung saan lalapag ang helicopter. Pagbaba ng helicopter ay bumaba ang mga nakasakay at sumaludo ang lahat ng nakapilang mga sundalo. Ang bumaba sa helicopter ay isang naka-formal attire na katulad ng isang tipikal na propesor ng kolehiyo. Siya'y ineescortan ng mga sundalo papasok ng bahay kung saan matatagpuan ang buong 4-Alpha. Sa labas ng kwarto ng buong 4-Alpha ay bantay-sarado ang isang grupo ng mga sundalo. Sinalubong nila ang mga taong sakay ng helicopter kanina at sinenyasan nila ang isang sundalong nagbabantay sa pintuan na buksan ang pintuan.

"Pasok, sir." sabi nung isang sundalo.

Pumasok ang mga nakasakay kanina sa helicopter. Binuksan ang ilaw at puwuesto ang naka-formal na propesor sa teacher's table habang ang kanyang mga bodyguards ay nakapila sa harapan. Sinisipa nila ang mga upuang nagkalat sa kanilang dadaanan. Laking gulat ng lahat na ang naka-formal na propesor ay si...

"Sir Soriano?" nagtatakang sinabi ni Edgar

"Sir?" nagtataka ding sinabi ni Serena

"Totoo ba ito?" tanong ni Erasmo

"Umupo kayong lahat." malumanay na sinabi ni Sir Soriano

"Upo!" sigaw nung isang sundalo

"Sabi ng umupo eh!" sigaw ng isa pang sundalo

Walang magawa ang buong klase dahil sa takot na kanilang nararamdaman kaya umupo sila sa kani-kanilang mga upuan. Yung iba ay umupo sa sahig. Ang ayos ng mga estudyante ay parang din sa kanilang classroom yun nga lang ay nakapwesto si Andrei sa may kaliwang sulok ng kwarto kung nakaharap ka sa pisara. Nang maupo ang lahat ay nagsimulang magsalita ni Sir Soriano.

"Kumusta na kayo, aking mga estudyante? Isang taon din ang nakalipas." panimulang sinabi ni Sir Soriano

"Sir, akala po namin nag-mamasteral kayo?" nabiglang itinanong ni Edgar

"Mula sa araw na ito ay ako na ang magiging class adviser nyo ulit, si Sir June Soriano. May angal?" matapang na sinabi ni Sir Soriano

"Sir, di ba si Ma'am Paez po ang aming..." apila ni Elsa, ang kandidato sa pagiging valedictorian.

"...at ano naman? Ako ang masusunod sa bahay na ito. Naiintindihan nyo ba?" sa puntong ito ay binara ni Sir Soriano si Elsa

"Pero sir..." muling inapila ni Elsa

"Elsa, huwag ka nang umapila pa." bulong nina Doreen at Kira

"O siya, makinig lahat kayo sa akin!" matapang na iniutos ni Sir Soriano sabay nagpakita ng sarkastikong ngiti

Humarap siya sa pisara at kumuha ng isang yeso (chalk). Sinulat niya ang mga katagang "E.O. 676 at Battle Royale Act." Habang sinusulat niya ang mga ito, may mga estudyanteng nagtatanong sa kanya.

"Sir nasaan po ba tayo?" tanong ni Arvin

"Sino ba ang mga kup@1 na yan?" tanong ni Edgar

"Ano bang nangyayari dito?" tanong ni Malynne

Habang nagkakagulo ay binabasa ni Andrei ang sinusulat ni Sir Soriano

"Battle Royale Act." binigkas ni Andrei habang sinusulat ni Sir Soriano ang mga nakasulat sa pisara.

"Alam mo yan, Andrei?" pabulong na itinanong ni Jose

"Oo." bulong ni Andrei kay Jose

"Alam nyo ba ang batas na ito?" biglang humarap si Sir Soriano at itinanong niya ito sa buong klase

Walang sumagot sa mga estudyante niya pero biglang nagtaas ng kamay si Jose.

"Sir alam ni...umm" sabi ni Jose kay Sir Soriano

"Jose, wag na." sabi ni Andrei habang tinatakpan ang bibig ni Jose

"Sige, Andrei, tutal, pina-google ko sa 'yo yan last year. Ipaliwanag mo sa kanila kung ano ito." natuon ang atensyon ni SIr Soriano kay Andrei at iniutos niya na sagutin ang tanong

"Sir, hindi ko po alam yan." sasagutin ni Andrei sana pero pinili niyang magsinungaling sa klase

"Sige na, Andrei, sagutin mo na yan." hiyaw ng buong klase

"Sige na, Andrei, para tumahimik na kami." sabi ni Jose

"Sir, hindi ko po talaga alam." nagpakumbaba pero pilit na sinabi ni Andrei

"Silencio!" sigaw ni Sir Soriano at nagsitahimik ang buong klase. "Huwag na nating pilitin ang ayaw." dagdag pa niya

"Nakikita nyo ba ang mga nangyayari sa ating paligid? Ang mga batang katulad ninyo ay nalululong sa masasamang bisyo. Nagiging tamad at pasaway. Sumasali sa mga fraternities na walang ginawa kundi manggulo sa kalye. Nagsasagawa ng mga kilos-protesta at humahawak ng mga matataas na kalibre ng sandata..." nagpatuloy si Sir Soriano sa kanyang discussion at paikot-ikot siya sa buong klase

Naputol ang kanyang pagpapaliwanang nang nakakita siya ng dalawang estudyanteng nagbubulungan. Binato niya ito ng yesong pinangsulat niya kanina.

"Sabi nang makinig eh!" galit na sinabi ni Sir Soriano

"T@n9 in@ ka ah. Bakit mo ko binato?" galit na tinanong ni Bert, isang bakla at nangunguna sa mga tsismis sa klase pero magaling na choreographer.

"Kapag sinabi kong makinig ay makinig, okay?" sinabihan ni Sir Soriano si Bert at tinitigan niya ng matagal upang matakot sa kanya si Bert.

"Sir, pwede po ba kong mag-CR?" tanong ni Linda, ang maliit at iyakin sa klase

"Mamaya na ang CR, Linda. Tiisin mo muna iyan." sagot ni Sir Soriano.

At nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag ng kanyang aralin.

"Makinig ulit kayo sa akin! Dahil sa mga nangyayari sa ating bansa ay hindi na maganda ang ating imahe lalo na sa paningin ng buong mundo. Kaya naman, ang pamahalaan ay nagdesisyon na ipasa ang batas na ito..."

"...ang Battle Royale!" sabi niya sabay turo sa nakasulat sa pisara.

"Kaya ang lesson natin sa araw na ito ay...magpatayan kayong lahat." dugtong ni Sir Soriano

"Magpapatayan daw?" bulong ng nakararami

"Nahihibang na ba to?" bulong ng ibang estudyante

"...lahat kayo ay magpapatayan hanggang sa isa na lang ang matira. Walang pata-patakaran, matira ang matibay." sabi ni Sir Soriano

Tumawa ng malakas si Gerry, ang nangunguna sa kalokohan at kalibugan sa klase pero matinik sa Math

"Anong nakakatawa, Gerry?" tanong ni Sir Soriano.

"Teka lang, sir, hindi ko ito maintindihan. Bakit nyo po ito ginagawa sa amin?" sumingit na tanong ni Erasmo

"Kung tutuusin, si Ma'am Paez nyo ay tinutulan ang pagpili sa inyong klase..." sabi ni Sir Soriano habang sa harap niya ay may pumasok na dalawang sundalo na tinutulak ang hospital bed. Tinanggal niya ang nakatakip sa higaan at nagulat ang buong klase sa kanilang nakita. Si Ma'am Paez ay duguan at wala nang buhay.

"Pu+@n9 in@n9 yan!" nabiglang sinabi ng mga lalaki

"Yuck!" tili ng mga babae habang takot ang kanilang nararamdaman

"Sandali, sandali. Cool lang kayo. Isa siyang violator." malumanay na sinabi ni Sir Soriano habang nakaturo siya sa walang buhay na si Ma'am Paez.

"Galingan nyo upang hindi kayo matulad sa iyong class adviser." dugtong pa niya at iniutos niya sa dalawang sundalo na lumabas ng kwarto kasama ang bangkay

Bumalik siya sa teacher's table at nagkumpas siya sa ere.

"Ngayon, makinig naman kayo sa sasabihin ng taong ito. Huwag nyong balewalain lahat ang mga sasabihin niya."

Nagulat ang lahat nang ipatugtog sa ere ang "Pinoy Ako" ng "Orange and Lemons" at nagsalita ang sikat na sikat na si "Kuya".

"Housemates, nagpapasalamat ako at pinaunlakan nyo ang aking imbitasyon na pumasok sa aking pamamahay." sabi ng malamig na boses na si "Kuya"

"Teka, pamilyar sa akin ang boses na yan ah." sabi ni Doreen

"Si Big Brother!" sigaw ni Serena

"Tahimik!" sigaw ni Sir Soriano

"Maligayang pagdating sa aking pamamahay. Kayo ang masuwerteng klase na napili ngayong taon upang lumahok sa programa ng ating pamahalaan - ang Pinoy Big Battle Royale. Congratulations!" masayang sinabi ni Big Brother.

"Maraming salamat. Kuya." sagot ni Sir Soriano

"Ngayon, ipapaliwanag ko sa inyo ang patakaran dito sa loob ng aking pamamahay at ang mechanics ng ating programa. Makinig kayong maigi upang hindi kayo tatanga-tanga mamaya..." sabi ni Big Brother

Biglang nahati ang pisara sa dalawa at lumabas ang isang LCD. Bumukas ito ng kusa at pinakita ang mga patakaran ng laro.

"Kayo ay nasa isang tahimik at walang katao-taong isla na katulad ng nasa screen. Ito ay may 16 kilometro sa buong paligid na punong puno ng mga masusukal na kagubatan at mga matataas na lugar. Pinaalis na namin ang mga nakatira dito kaya wala na kayong makikitang mga taga-dito. Ang isla ay nahahati sa maraming sona..." sabi ni Big Brother.

Itinaas ni Sir Soriano ang kamay niya at biglang tumigil sa pagsasalita si "Kuya". Nadistruct na naman siya sa mga nagbubulungan kaya sinita niya ito.

"Sabi nang walang magbubulungan eh!" sigaw ni Sir Soriano. Naglabas siya ng patalim at binato niya ito sa kanyang nahuli, si G5 - Gretchen Alvarez, isang maitim at matangkad na babae na kahawig ng isang tipikal na black american, na nakapwesto sa gitnang kanang bahagi ng classroom kung nakaharap sa likod. Tinamaan siya sa ulo at bumagsak ng patagilid.

Nagulat ang lahat sa kanilang nakita. Lalong nadagdagan ang kanilang mga takot sa puso nila.

"Tabi, tabi!" utos ni Sir Soriano

Takot na takot ang mga estudyanteng dinaanan ni Sir Soriano kaya walang pasubaling binigyan siya ng daan. Nilapitan ni Sir Soriano si Gretchen at sinipa siya upang humarap sa kanyang pagkakahiga.

"Sabi ko sa inyo na sumunod kayo sa akin eh. Yan ang napala mo!" pang-asar na sinabi ni Sir Soriano at binunot ang kutsilyong nakatusok sa ulo ni Gretchen.

Sa pagbunot ng patalim sa ulo ni Gretchen ay natakot na naman ang mga estudyante. Lumayo sila sa kinatatayuan ni Sir Soriano at tumakbo papalabas ng kwarto. Nagpaputok ang mga sundalo ng warning shot upang matakot pa lalo ang mga estudyante. Sila'y pinigilan ng mga sundalo at pwersahang itinutulak pabalik sa kanilang kinauupuan. Tuwang-tuwa si Sir Soriano sa kanyang mga nakikita. Ang mga straight na lalaki ay nilapitan si Sir Soriano upang bugbugin subalit bago pa sila makalapit ay pinigilan din sila ng mga sundalo. Nakalusot si Andrei sa mga sundalo pero hindi siya nakalusot sa mga kamao niya. Tinutukan siya ng patalim at tinakot niya si Andrei na akmang papatayin.

"Ano, lalaban ka, matalinong-tamad?" tanong si Sir Soriano habang tinatakot si Andrei

Umiling siya kay Sir Soriano upang hindi na ituloy ang masamang binabalak ni Sir Soriano. Nang makita siya mga mga kaklase niya, nilayuan siya habang nanginginig pa rin sa takot. Ang mga sundalo ay tinutukan ang buong klase ng kanilang mga sandata kasama na si Andrei pero mas marami ng kaunti sa kanya. Bago pa iputok ang mga sandata ay pinigilan na sila ni Sir Soriano. Nagsibalikan na sila sa dating mga pwesto at ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag ni Big Brother.

"O sige na po, Big Brother!" utos ni Sir Soriano at ikinumpas niya ang kanyang kamay sa ere.

"Nasan na nga ba ako, Mr. Soriano?" tanong si Big Brother

"Kuya, dun na po kayo sa '...nahahati ang isla sa maraming sona'" sagot ni Sir Soriano sabay upo sa teacher's table.

"Oo nga pala...Ang islang ito ay nahahati sa maraming sona. Sa bawat anim na oras, ang inyong guro ay magbibigay ng mga latest updates tungkol sa status ng inyong klase..."

"...Apat na bese sa isang araw" singit ni Sir Soriano.

"...Mayroon tayong tinatawag na "danger zones". Kapag nandoon kayo ay dapat kayong umalis kaagad dahil may mangyayaring masama sa inyo. Kapag nagsimula na ang laro, ang aking bahay ay magiging permanenteng "danger zone". Tungkol naman sa nakalagay sa inyong leeg..." Sabi ni Big Brother

Hinawakan ng buong klase ang mga nakakabit sa kanilang mga leeg.

"...ay magsisilibi itong sensor. Ito ang magmamanman ng lahat ng inyong mga ginagawa at kung nasaan kayo ngayon. Ito'y waterproof, shockproof at permanente. Kaya kapag kayo ay nasa danger zone, malalaman namin kayo agad at magtratransmit ito ng radio waves tapos gagana ang alarm na nakaprogram dito at...BOOM! Sasabog ito sa inyong mga leeg..." Sabi ni Big Brother

Nagulat ang buong klase sa exaggerated na paglalarawan sa kanilang mga necklace.

"...kapag sinubukan nyo itong tanggalin ay sasabog din ito kaya huwag nyo nang tangkaing gawin iyon, maliwanag?" Sabi ni Big Brother

"Pu+@n9 in@ ka, Soriano!" galit na sinabi ni Jokerson, ang maton sa klase nila at nagsisuguran ulit ang lahat ng straight na lalaki kay Sir Soriano kasama si Andrei. Pinipigilan sila ng kani-kanilang mga syota.

"Tama na, Jokerson!" sigaw ng kanyang girfriend na si Myra, isa sa pinakamaganda sa klase

"Kuya Jokerson, wag!" sigaw ni Linda

Muli, inawat sila ng mga sundalo. Sa sandaling iyon ay napagdiskitahan si Andrei ng mga sundalo kaya hinuli siya at sapilitang iniharap kay Sir Soriano.

"Talagang pasaway ka ah!" sabi ni Sir Soriano habang binubunot ang remote control na kumokontrol sa mga necklace.

Nakita ni Jose na nahihirapan si Andrei kaya nag-atubiling sinugod niya ang sundalong yumayapos kay Andrei at tinulak niya papalayo sa maaring tatamaan ng sensor ng remote control. Ang buong klase ay pinipigilan siya subalit buo ang kanyang loob na harapin ang maaring mangyari sa kanya.

"Jose, wag!" sigaw ng buong klase

Pinindot ni Sir Soriano ang remote control upang mag-activate ang bomba sa necklace. Imbes na tamaan yung kay Andrei, ang tinamaan ng sensor ay si Jose. Tumunog ang necklace na para bang isang time bomb at doon na nakaramdam ng kaba si Jose pagkatapos ng kanyang tapang na kanyang ipinamalas sa pagkakaligtas kay Andrei

"Ano ito?" kinakabahang tanong ni Jose

"Ang malas ko naman pero dapat layuan nyo na siya." sarkastikong sinabi ni Sir Soriano.

"Tulungan nyo 'ko!" sigaw ni Jose

Lumapit si Jose sa kanyang mga kaklase pero pinagtulakan siyang papalayo sa kanila. Tapos tinulak nila si Andrei upang maaring mapasama sa pagsabog. Malapit nang sumabog ang bomba pero iniisip ni Jose ang kaligtasan ni Andrei

"Jose!" sigaw ni Andrei

"Lumayo ka na sa kin." sigaw din ni Jose at tinulak niya si Andrei papalayo sa kanya.

"Andrei!"

"Jose!"

At sumabog ang necklace sa leeg ni Jose at naputol ang leeg niya mula sa pagsabog. Tinakapan ni Andrei ang kanyang sarili upang hindi niya makita ang pagsabog. Tumalsik ang dugo mula kay Jose. Nang binuksan niya ang kanyang mga mata, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Pinakawalan siya ng sundalong nakayapos sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa bangkay ni Jose at niyakap. Gumalaw ng kaunti ang bibig ni Jose at binasa ito ni Andrei. Ang kanyang basa...

"pa...tu...nay...an...mo..."

Doon siya nagsimulang umiyak. Hindi niya kinaya ang pagkawala ng kanyang nag-iisang kaibigang naniniwala sa kanya. Ang buong klase ay gusto sanang sisihin si Andrei pero dahil sa takot nila ay hindi nila ito magawa. Nilapitan siya ni Sir Soriano at sinabihan si Andrei.

"Ang swerte mo pa rin, Andrei. Sinalo ng iyong kaklase ang iyong kasalanan. Kay sarap tignan." sarkastikong sinabi ni Sir Soriano at nagkaroon ng limang segundong titigan sa pagitan niya at ni Andrei

"Pu+@n9..." galit na sinabi ni Andrei habang tumatayo siya sa kanyang pwesto at aakmang susugod muli kay SIr Soriano

"Huwag mo nang gawin ang binabalak mo. Baka ipagkait ko pa ang pangalawa mong buhay." banat agad ni Sir Soriano habang tinutukan niya ng patalim si Andrei

Lumingon si Andrei sa buong klase. Nakita niya si Kira na umiling sa kanya. Pagkatapos nun ay bumalik ang lahat sa kanilang mga pwesto at ipinagpatuloy ang pagpapaliwanang ni Big Brother. Pinuntahan siya ng isa pa niyang kaibigan na si Christian at inakay niya papalayo si Andrei sa walang buhay na si Jose.

"Oo nga pala, may time limit ang ating programa - 3 days, tatlong araw, tatlong gabi. Kapag wala pang nanalo sa loob ng tatlong araw ay mapipilitan kaming pasabugin lahat ng mga necklaces at walang madedeklarang panalo. Kaya, housemates, galingan nyo at gawin nyo ang lahat upang mabuhay at manalo sa aking palaro." dugtong ni Big Brother

"Ngayon, may mga katangunan ba?" tanong ni Sir Soriano

"Sir!" sigaw ni Cristina, ang PRO sa klase

"Ano yun, Ms. Padilla?" tanong ni Sir Soriano

"Pag nabuhay ba ako'y pwede nang umuwi?" tanong ni Cristina

"Oo naman...yan ay kung patay na ang lahat." sagot ni Sir Soriano

"Sir!" sigaw ni Erasmo

"Sige, Erasmo." sabi ni Sir Soriano

"Paano kami napili?" tanong ni Erasmo

"Sa pamamagitan ng palabunutan ng pamahalaan."

Itinaas ni Andrei ang kanyang kamay at nagulat ang lahat sa kanya.

"Bakit Andrei?" tanong ni Sir Soriano

"Bakit kami ang napili dito? Akala ko ba na ang mga delikwenteng bata lang ang pinipili ng programang ito. Bakit kami nadamay dito?" matapang na itinanong ni Andrei

"Malas nyo lang at kayo ang napili ng pamahalaan."

"Isa pa!"

"Sige"

"Kung ganun din lang edi sana pinili nyo na lang yung tulad ng mga taga ******n High School kung ang pagbabasehan nyo ay mga tanyag at disenteng eskwelahan. Bakit mo 'to ginagawa sa min?"

"Kasalanan mo 'to, Andrei. Lahat kayo ay minamaliit na ang pamahalaan. Hindi nyo na sinusunod ang mga nakakataas sa inyo. Pumapasok nga kayo ng regular pero hindi nyo na sineseryoso ang inyong pag-aaral. Sige ituloy nyo lang yan pero ito lang ang sasabihin ko sa inyo...Ang buhay ay parang laro; kaya lumaban kayo upang mabuhay at alamin nyo kung karapat-dapat pa kayong manatili sa mundong ibabaw." seryosong sinabi ni Sir Soriano tapos pinabuksan niya ang pinto sa likod ng kwarto. Pumasok ang dalawang sundalo na may dala-dalang malalaking bag.

"Bago ko makalimutan, kailangan nyong magdala ng bag na dala-dala ng mga kapapasok lang na sundalo. Bawat isa sa inyo ay may kanya-kanyang bag na naglalaman ng mga sumusunod: 3 medium sized mineral water, 3 large monay, isang mapa, isang compass, isang flashlight at isang random na sandata. Tignan nyo na lang mamaya. Lahat ng inyong dala-dala ngayon ay pwede nyong dalhin at gamitin. Bawat isa sa inyo ay may iba't-ibang sandata, pwedeng baril, kutsilyo, itak, depende sa laman ng iyong bag na ibibigay sa inyo. Kaya maaring masuwerte ka sa iyong sandata o malas ka pero depende na yan sa inyo kung paano mo siya gagamitin." dugtong pa ni Big Brother

"Sinabihan na namin ang inyong mga magulang ukol dito at good luck!" sabi ni Sir Soriano.

Sa ilang sandali, magsisimula na ang madramang aksyon sa isla ni Kuya.

Wakas ng ikalawang kabanata.
__________________
Suspended, Under Discussion!
Expect more twists, more drama, more action SOON!

Please leave a comment/criticism. Thank you!

Last edited by usurper : 04-13-2008 at 10:08 PM.
Status: Offline
 
Reply With Quote
Reply


Thread Tools
Display Modes